Kabihasnang Mesopotamia

images (15)

Mesopotamia — mula sa salitang Griyego na meso na nangangahulugang “gitna” at potamos na nangangahulugang “lupain” – lupain sa pagitan ng dalawang ilog.

– tinaguriang “cradle of civilization” dahil sa agrikultura at pag-aalaga ng mga hayop na umunlad higit sa anumang  kabihasnan sa daigdig

– ang IRAQ sa kasalukuyan

mesopot_map_med

Ang Fertile Crescent ang kinikilalang pinagsimulan ng sibilisasyon.  Ang kasaysayan ng Mesopotamia ay kakikitaan ng pamamayani at pagbagsak ng iba’t ibang katutubong kaharian at imperyo.

Mga Sinaunang Kaharian sa Mesopotamia

Pangkat ng Tao na Nanirahan

Mga Ambag

Sumerian

  • Unang pangkat ng tao na nanirahan sa Mesopotamia
  • Sila ay mga polytheist – naniniwala sa maraming diyos
  • Unang gumamit ng gulong
  • Pandigmang chariot
  • Cuneiform – isang sistema ng pagsusulat

    CuneiformTablet

    Cuneiform Tablet

  • Ziggurat 

    images (17)

    Ziggurat (Ur)

Akkadian

  • Pinamunuan ni Haring Sargon
  • Ang kauna-unahang nakapagtatag ng imperyo sa kasaysayan ng daigdig

Babylonian

  • Pinamunuan ni Hammurabi
  • Kinikilalang pangunahin at pinakamakapangyarihang diyos si Marduk
  • Code of Hammurabi – ang kauna-unahang nakasulat na batas sa kasaysayan   dito nakalimbag ang mga detalye at legal na desisyon ni Hammurabi

“mata sa mata, ngipin sa ngipin’images (18)

Hittite

  • Mga kilalang grupo ng taong unang gumamit ng bakal na armas
  • Binibigyang-diin nila ang pagbibigay ng bayad-pinsala kaysa parusang pisikal
  • Kauna-unahang nakadiskubre ng bakal
  •  unang nakadiskubre ng bakal
  • naimbento ang chariot

Assyrian

  • Isang estadong-militar ang Assyria
  • Sinasabing pinakamalakas at pinakmabagsik na mandirigma kaya sila kinatatakutan
  • Ashurbanipal II – kilalang pinakamalupit, marahas ngunit pinakamabisang pinuno ng mga Assyrian
  • Lungsod ng Nineveh – naging simbolo ng katayugan at kalupitan ng mga Assyrian

Chaldean

  • Nagmula sa angkan ng mga Babylonian
  • Pinamunuan ni Nebuchadnezzar
  • Hanging Garden of Babylon — ito ay terrace ng mga halaman at bulaklak na ipinatyo ni Nebuchadnezzar para sa kanyang asawa

    Hanging_Gardens_of_Babylon

    Hanging Garden of Babylon

Persian

  • Pinasimulan ni Cyrus the Great
  • Kinilala ang mga Persian ilang mahuhusay at bihasang administrador
  • Darius – pinakadakilang hari ng mga Persiano
  • Xerxes
  • Zoroastrianismo – relihiyon ng mga Persian na ipinakilala ni Zoroaster, naniniwala na ang tao kumokontrol sa kanyang kapalaran
    • Ahura Mazda – kinikilalang diyos ng kaliwanagan
    • Ahriman – kinikilalang diyos ng kasamaan at kadiliman

Phoenician

  • Isa sa mga tribong Semitic na sumikat sa baybayin ng Mediterranean Sea
  • Kilalang mahuhusay na manggagawa ng gamit na yari sa metal
  • Tinaguriang dakilang mangangalakal ng sinaunang panahon
  • Alpabeto – napapalooban ng tunay na 22 katinig na alpabeto, Aleph ang unang letra ng mga Phoenician

Hebreo

  • Palestine – tahanan ng mga Hebreo
  • Kilalang gala noong unang panahon
  • Haring Saul – popular na hari
  • Kodigo ng Batas ng mga Jews – ang Sampung Utos ng Diyos
  • Lumang Tipan (Old Testament)
  • Monotheism – paniniwala sa iisang Diyos

Sa Mesopotamia matatagpuan ang pinakaunang kabihasnan sa buong daigdig. Sa paglipas ng Sumer, tatlong imperyo ang lumitaw rito: Akkadia, Babylonia at Assyria. Nagtatag ng isang imperyo ang mga Persian na sumakop sa Kanlurang Asya at iba pang karatig -lugar. Napasama sa daloy ng kasaysayan ng mga kanluraning bansa ang rehiyon ng Kanlurang Asya nang mapasakamay ito ng mga Macedonian Greek at Roman.

References: Kabihasnang Asyano: Kasaysayan at Kultura, Kayamanan II

Photos: https://www.google.com.ph/

About these ads

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s