Ang Pinagsimulan ng Kabihasnan

images (1)

Ang kasaysayan ng daigdig ay nagsimula sa payak na pamumuhay ng mga tao sa panahon ng Lumang Bato. Umasa lamang sila ng ikabubuhay sa kanilang kapaligiran.

Ipinagpatuloy ng mga tao sa Panahon ng Bagong Bato kung saan nakatuklas sila ng higit na mahuhusay na paraan ng paggawa at paggamit ng mga bagay sa pamamagitan ng pagpapakinis ng bato. Iniangkop at isinaayos ng mga tao ang kanilang kapaligiran upang lalong matugunan ang kanilang nagbabagong anyo ng pamumuhay.

Tinatayang sa pagitan ng 8000 at 6000 B.C. sinimulang isaayos ng tao sa ilang pamayanan sa may dakong hilaga at silangan ng Mesopotamia ang kanilang likas na kapaligiran. Ang unang pinakamahalagang produkto nila ay trigo at barley.

Ang lahat ng mga gawain at paraan ng pamumuhay ng mga sinaunang tao ay isang halimbawa ng payak na kultura ng panahong yaon.  Ang kultura ay ang kabuuang huwaran ng sama-samang kaasalan na nalinang bunga ng mga karanasan ng pangkat. Binubuo ito ng wika, sining, pamahalaan, at iba pa. Sa pag-unlad ng kultura, umunlad din ang SIBILISASYON.

Simula ng Sibilisasyon

Ang apat sa pitong unang sibilisasyon ay nalinang sa mga lambak ng ilog (river valleys). May tatlong mahahalagang katangiang nakikita sa lambak:

  • maraming tubig
  • napakatabang lupa
  • lupang hindi nasasakop ng kagubatan

Ang mga katangiang ito ng kapaligiran ang mga salik na nagbigay-daan sa paglinanag ng kabihasnan o sibilisasyon sa mga nabanggit na lugar.

Lambak ng Ilog Nile — Ehipto

Lambak ng Ilog Tigris at Euphrates — Mesopotamia

Lambak ng Ilog Indus — dating bahagi ng India na ngayon ay Pakistan

Lambak ng Ilog Huang Ho — Tsina

Sa mga lugar na ito pinaunlad ng mga tao ang kanilang pagsasaka, mga kagamitan, pamayanan, wika, at relihiyon sa mataas na antas ng kalinangan.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s