Kabihasnang Ehipto

“Ang Handog ng Nile”

Ang Ilog Nile ay tinatawag na “daluyan ng buhay” sa Ehipto. Ang lupain nito ay tinagurian naming “Ang Handog ng  Nile” (“The Gift of the Nile”) dahil kung wala ang ilog na ito, ang lupain nito ay magiging disyerto

Ilog Nile – may habang humigit-kumulang sa 6,500 kilometro na dumadaloy mula katimugan (Lawa ng Victori, Tanzania)  patungong hilaga (Dagat Mediterranean)

Lower Egypt – nasa bahaging hilaga ng lupain o kung saan ang Nile ay dumadaloy patungong Mediterranean Sea

Upper Egypt – nasa bahaging katimugan mula sa Libyan Desert hanggang sa Abu Simbel

Nile_Delta_-_Naucratis

Ang “Mahiwagang Nile”  ang nagpala sa mga taga lambak, ang taunang pag-apaw ng Nile ay nagbigay-daan upang makapagtanim ang mga magsasaka sa lambak-ilog. Ang taunang pagbaha ay nagbigay-daan sa pagkatuto ng mga Ehipto sa astronomiya, kaugnay nito nakabuo sila ng isang kalendaryo. Natuto silang mag-imbak ng tubig sa pamamagitan ng dike, gumawa sila ng mga kanal na daanan ng tubig mula sa Nile at natuto rin silang sumukat ng lupain upang muling mahati ito ng wasto pagkalipas ng malaking baha. Sa ganitong paraan sila unang nagkaroon ng kaalaman sa inhenyeriya at matematika.

images (14)

Hieroglyphics – paraan ng pagsusulat ng mga Ehipto  na binubuo ng 600 simbolo na may mga larawan na iginuhit nila sa mga dingding ng gusaling yari sa luwad, ang mga larawang ito ay simbolo ng mga ideya, bagay, at tunog ng bigkas ng mga salita na nangangahulugang “sagradong ukit” o hieratic sa wikang Greek.

Kronolohiya ng Kasaysayan ng Egypt

Egyptologist – ang mga iskolar na nag-aaral ukol sa kasaysayan ng Egypt

Ang sinaunang kasaysayan ng Egypt ay kadalasang hinahati sa mga panahong batay sa dinastiya na pinamumunuan ng pharaoh.

Pharaoh – ang tumatayong pinuno at hari ng sinaunang Egypt

  • Gumaganap ng dalawang tungkulin – ang pagiging pinuno ng estado at kinatawan ng diyos
  • Kontrolado niya ang lahat ng aspekto ng pamumuhay ng mga sinaunang Egyptian
  • Kabilang sa kanyang mga tungkulin ay ang:

Pagsasaayos ng mga irigasyon,

Pagkontrol sa kalakalan,

Pagtatakda ng mga batas,

Pagpapanatili ng hukbo, at

Pagtiyak sa kaayusan ng Egypt

Aristokrasya – ang tawag sa pagganap ng dalawang tungkulin ng pharaoh

2 responses to “Kabihasnang Ehipto

  1. Ganun pala ^^

    salamat dahil madami aqng natutuhan !! IPAGPATULOY NIO PO YAN AT MADAMI KAUNG MATUTULUNGANG MGA ESTUDYANTE KAGAYA QOE !!!^0^

    SALAMat po ulit !!!madaming madami :*******

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s