Mga Modelo ng Paikot na Daloy ng Ekonomiya (Buod)

Mga Aktor sa Paikot na Daloy ng Ekonomiya

Bahaging Ginagampanan sa Paikot na Daloy

SambahayanP1110761

  • Konsyumer ng mga tapos na produkto at kalakal na nilikha ng bahay-kalakal
  • Suplayer ng mga salik ng produksiyon

Bahay-Kalakal280px-Moscow-City_28-03-2010_2

  • Konsyumer ng mga salik ng produksyon na nagmumula sa sambahayan
  • Suplayer ng mga tapos na produkto at kalakal

PamahalaanIMAGE__UNTV-News__092112__CONGRESS

  • Nangongolekta ng buwis sa sambahayan at bahay-kalakal
  • Nagkakaloob ng serbisyong pampubliko (transfer payments)

Panlabas na Sektor969392_576317072388519_154434229_n

  • Nagbebenta sa ibang bansa (Export)
  • Bumibili sa ibang bansa (Import)
 

Mga Uri ng Pamilihan sa Paikot na Daloy ng Ekonomiya

Bahaging Ginagampanan sa Paikot na Daloy

Pamilihan ng mga Salik ng Produksiyonmga-salik-at-elastisidad-ng-suplay-2-638

  • Nagbebenta ang sambahayan ng mga salik ng produksiyon (input – lupa, kapital, paggawa, entreprenyur)
  • Bumibili ang bahay-kalakal ng mga salik ng produksiyon (input – lupa, kapital, paggawa, entreprenyur)

Pamilihan ng mga Kalakal at Paglilingkodtice

  • Nagbebenta ang bahay-kalakal ng mga tapos na produkto at paglilingkod
  • Bumibili ang sambahayan ng mga tapos na produkto at paglilingkod

Pamilihang Pinansyal11212010-landbank-sorsogon

  • Nag-iimpok ang sambahayan
  • Umuutang ang bahay-kalakal

Mga Inilalarawan ng Paikot na Daloy ng Ekonomiya

Unang Modelo : Simpleng Ekonomiya

Ikalawang Modelo : Sistema ng Pamilihan

Ikatlong Modelo : Pananalapi (Pamilihang Pinansiyal)

Ikaapat Modelo : Pamahalaan

Ikalimang Modelo : Panlabas na Sektor

ikalimang-modelo-1-638

Ang Ikalimang modelo ng paikot na daloy ng ekonomiya ay naglalarawan ng isang bukas na ekonomiya kung saan ang bansa ay nakikipag-ugnayan sa panlabas na sektor upang matugunan ang mga pangangailangan nito.

photo credits: http://www.google.com , rappler.com

Mga Institusyong Pinansiyal: Bangko, Bahay-sanglaan, at Kooperatiba

Mga Institusyong Pananalapi

  • nagsisilbing tagapamagitan sa mga transaksiyong may kinalaman sa pananalapi

Islamic-finance-scholars-launch-global-professional-association

Sektor ng pananalapi – ay binubuo ng mga bangkong institusyon at mga hindi bangkong institusyon subalit nagsasagawa ng mga tungkuling may kaugnayan sa pananalapi

Mga Bangkong Institusyon

  1. Bangkong Komersyal (Commercial Banks) – maaaring pribadong lokal o dayuhang pag-aari. Ito ay binubuo ng mga malaking bangko na maaaring tumanggap ng deposito sa publiko. Ito ay may kakayahan ding magbukas ng iba’t ibang sangay sa buong bansa.         banco-de-oro-rosales                         Dalawang Uri ng Bangkong Komersiyal   
  • Non-expanded commercial bank – nagkakaloob lamang ng pautang na babayaran sa loob lamang ng maikling panahon, hal. Philippine Veterans Bank, Bank of Commerce
  • Expanded commercial bank – may mas malawak na gawain tulad ng pagpapairal ng mga credit card at pagpapautang na maaaring bayaran sa matagal na panahon, hal. UCPB, RCBC, BPI
  1. Bangko sa Pagtitipid (Thirft Banks) – binubuo ito ng mga bangko na pangunahing layunin ay humikayat sa pag-iimpok at pagtitipid. Ito ay nagkakaloob ng pondo para sa agrikultura at industriya sa makatuwirang interes.

       Ang mga sumusund ay kabilang sa thrift bank:

  • Stock Savings and Loan Association – tumatanggap ng impok ng mga kasapi, nagpapahiram ng salapi, nagbibigay ng dividend sa mga kasapi
  • Savings and Mortgage Bank – tumatanggap ng deposito at sangla ng mga mamamayan
  • Private Development Bank – nagpapahiram ng puhunan sa small and medium scale industriesimages (1)
  1. Bangkong Rural (Rural Banks) – itinatag sa ilalim ng Republic Act 720 o ang Rural Banks Act. Itinatag upang tulungan ang mga maliliit na mamimili at maliliit na prodyuser, tulad ng mga magsasaka at mangingisda. Layunin nitong mapabuti ang kalagayang panlipunan at pangkabuhayan sa mga kanayunan.

Mga Espesyal na Bangko

  • 11212010-landbank-sorsogonmga bangkong pag-aari ng pamahalaan, ito ay nasa ilalim ng pangangasiwa ng Bangko Sentral ng Pilipinas, ang mga bangkong ito ay may natatangi o espesyal na gawaing tutugon sa mga tiyak na layunin ng pamahalaan. Hal: Land Bank of the Philippines, Development Bank of the Philippines 

Mga Institusyong Hindi Bangko

  • mga institusyon ng pananalpi na hindi maituturing na bangko subalit nagsasagawa ng mga tungkuling may kaugnayan sa pananalapi
  1. Government Service Insurance System (GSIS) – nagbibigay ng life insurance sa mga kawani o empleyado ng pamahalaan, maging sa mga kawani ng mga korporasyong pag-aari at kontrolado ng pamahalaan.Social Security System
  2. Social Security System (SSS) – nagbibigay ng life insurance sa mga empleyado ng pribadong kompanya
  3. Pag-IBIG Fund (Pagtutulungan sa Kinabukasan: Ikaw, Bangko, Industriya at Gobyerno) – layuning matulungan ang bawat kasapi lalo na sa pabahay (housing)
  4. Kooperatiba – may layuning panlipunan at pangkabuhayang pagtutulungan at pagkakaisaCabucgayanpalawanpawnshop-1
  5. Bahay-Sanglaan (Pawnshop) – itinatag upang magbigay ng pautang sa mga taong nangangailangan ng salapi sa pangmadaliang panahon.

Essential Question: Bakit itinuturing na mahalaga ang papel na ginagampanan ng mga institusyon ng pananalapi sa lipunan?

Ekonomiks: Mga Konsepto at Aplikasyon

images: google.com

Iba’t Ibang Estruktura ng Pamilihan

ticeIba’t Ibang Estruktura ng Pamilihan

Ang pamilihan ay isang kaayusan kung saan may interaksiyon ang mga mamimili at nagtitinda upang magpalitan ng iba’t ibang bagay.

Dalawang estruktura ng pamilihan:
Pamilihang may ganap na kompetisyon — sa pamilihang ito, walang kakayahan ang sinuman sa bahay-kalakal at mamimili na kontrolin ang presyo. ang mga produktong ipinagbibili ay walang pagkakaiba. Ang mga mamimili at nagtitinda ay may ganap na kaalaman sa kalagayan ng pamilihan.
Pamilihang may hindi ganap na kompetisyon- sa pamilihang ito, nakokontrol ng isa o iilang kompanya ang presyo ng produkto.
Monopolyo – isang uri ng pamilihan na may iisa lamang bahay-kalakal na gumagawa ng produkto na walang malapit na kahalili.
Monopsonyo – ito ang pamilihang isa lamang ang mamimili. Ito ay may lubos na kapangyarihan upang kontrolin ang presyo.
Halimbawa ay ang Pamahalaan- itinuturing na isang monopsonist
Oligopolyo — isang estruktura ng pamilihan na may maliit na bilang ng bahay-kalakal na nagbebenta ng magkakatulad o magkakaugnay na produkto.
Halimbawa ay ang industriya ng langis
      Cartel – isang organisasyon ng malalayang bahay-kalakal na gumagawa ng magkakatulad na produkto na sama-samang  kumikilos upang itaas ang presyo at takdaan ang dami ng gagawing produkto.
Monopolistikong Kompetisyon – maraming kalahok na bahay-kalakal; ang uri ng produktong ipinagbibili as magkakapareho ngunit hindi magkakahawig. Ito ang product differentiation.
Halimbawa ang produktong toothpaste (colgate, hapee, close-up)

 

 

 

 

 

 

PAMILIHAN AT PAMAHALAAN

Ang pagpapanatili ng katatagan ng pamilihan ang layunin ng maliit at hindi aktibistang pamahalaan. Isasagawa ito sa pagtataguyod ng ganap na kompetisyon.

Tatlo ang gampanin ng malaki at aktibong pamahalaan:

1. Ang pagpapanatili ng kompetisyon – pagbuo ng mga batas at programang pangkaunlaran, pagpapalawak ng kompetisyon sa pamilihan
2. Pagpapalit sa allocative role ng pamilihan – pagpili ng mga hakbangin sa pagsisinop ng pinagkukunang-yaman, muling pamamahagi ng kita at yaman ng isang bansa sa mga mamamayan, pagpapatatag at pagpapatibay ng pambansang ekonomiya
3. Ang pagsasaayos ng distribusyon ng mga pinagkukunang-yaman (distributive role)—paliitin ang antas ng inequality sa pamilihan

Pamamaraan ng Panghihimasok ng Pamahalaan:

• Tight industrial regulatory regime – pagsasaayos ng presyo sa iisang atas lamang; ipinatutupad ng pamahalaan sa paniniwala na bubuti ang kapakanan ng mamamayan sa mga piling bahay-kalakal.
• Industrial Deregulatory Regime—pagbubukas ng industriya sa kompetisyon
Paglahok ng pamahalaan sa industriya
Pagbubuwis – humahalili sa presyo ang buwis sa pagtatakda ng panlipunang pagpapahalaga sa pagkonsumo at paglikha ng produkto
• Tax Exemption at Subsidy
o Tax exemption – ang mahihirap ay hindi pinagbabayad ng buwis
  o Subsidy – tulong-pinansyal ng pamahalaan para sa mahihirap
• Programang Pangkaunlaran
• Sequestration – nilalayon nito na itigil ang pagsasamantala ng bahay-kalakal sa mga mamimili at kapwa bahay-kalakal
Price Ceiling at Price Floor
o Price ceiling (price control) – pinakamataas na presyo na itinatakda ng pamahalaan para sa isang produkto
o Price floor (price support)– ang tawag sa pinakamababang presyo na itinatakda ng pamahalaan para sa isang produkto

Pinagkunan: Ekonomiks IV

Photo credits: google.com

Mga Sektor ng Ekonomiya

ANG SEKTOR NG AGRIKULTURA

PW-agriculture-budget-pnoy-2011

–naglalayong maisulong at mapabuti ang kalagayan ng mga taong kalahok dito at mapaunlad ang antas ng kanilang gawain

Mga Kabilang Sektor ng Agrikultura:

  • pagsasaka
  • paghahayupan
  • pangingisda
  • paggugubat
  • pagmamanukan

Kahalagahan ng Sektor ng Agrikulturaphilippine-rice-farmers

agrikultura — ay isang agham na may direktang kaugnayan sa pagkatas ng mga hilaw na materyales mula sa likas na yaman

  1. Nakapaghahatid ito sa bansa ng dolyar sa pamamagitan ng mga produktong iniluluwas sa iba’t ibang panig ng daigdig.
  2. Tinitiyak nito na may makakain ang mga Pilipino sa kanilang hapag.
  3. Napapakinabangan ang malaking ektarya ng lupain sa bansa dahil sa paglinang ng mga magsaska, manggagawang-bukid, katiwala at iba pa.
  4. Nakatutulong nang malaki ang agrikultura sa ibang sektor ng ekonomiya tulad ng pagmamanupaktura at kalakalan.

Mga Suliranin sa Sektor ng Agrikultura

  1. Mataas na gastusin sa pagsasaka
  2. Malawakang pagpapalit-gamit ng Lupa
  3. Pagdagsa ng mga dayuhang kalakal
  4. Maliit na pondong laan para sa pananaliksik at makabagong teknolohiya
  5. Monopolyo sa pagmamay-ari ng lupa
  • Malaking bilang ng mga Pilipino ang umaasa sa agrikultura bilang ikinabubuhay. Ang pangunahing produkto sa pagsasaka batay sa bigat ng ani ay tubo, niyog, palay, mais, saging, kape, at abaka.

ANG SEKTOR NG PANGISDAAN AT PAGGUGUBAT

Tatlong Uri ng Subsektor ng Pangisdaan108872_BnHover

1. Komersiyal — produksiyon ng isda gamit ang bangka na may bigat na higit sa tatlong gross ton

2.Munisipal na pangingisda — produksiyon ng isda sa katubigang sakop ng munisipalidad

3. Aquaculture — kontroladong paraan ng produksiyon ng isda at iba pang yamang tubig

Kahalagahan ng Yamang Tubig:

1. Dito kumukuha ng ikinabubuhay ang maraming mamamayan sa bansa.

2. Dito nanggagaling ang malaking bahagdan ng kinokonsumong pagkain ng mga mamamayan.

3. Malaki ang kinikita ng pamahalaan at pribadong sektor sa pamamagitan ng pagluluwas ng mga yamang tubig sa iba;t ibang panig ng daigdig.

bangus 1Aquaculture: Umuunlad na Subsektor ng Ekonomiya

Kahalagahan ng aquaculture sa ekonomiya ng bansa:

  • Nakapagbibigay ito ng hanapbuhay sa maraming mamamayan.
  • Napupunan nito ang bumababang dami ng huli mula sa karagatan at iba pang anyong tubig.
  • Nakatutulong ito sa ibang kaugnay na industriya tulad ng mga pagkain sa isda (feeds) at food processing.
  • Nakapagpapasok ito sa bansa ng malaking halaga ng dolyar dahil sa kita mula sa mga produktong iniluluwas sa ibang panig ng daigdig.
  • Napapakinabangan ang mga nakatiwangwang na lugar upang makapagpatayo ng fishpond at mapagkakakitaan.

Mga Suliranin sa Sektor ng Pangingisda

  1. Mapanirang operasyon ng Malalaking Komersiyal na mangingisda
  2. Lumalaking populasyon sa bansa
  3. Kahirapan sa hanay ng mga mangingisda

SEKTOR NG PAGGUGUBAT

Kahalagahang ng Sektor ng Paggugubat

  • pinagkukunan ito ng mga sangkap para sa paggawa ng gamot
  • pinagkukunan ito ng mga materyales para sa paggawa ng bahay at muwebles
  • nagsisilbi itong tirahan ng mga wildlife
  • pinagkukunan ito ng mga hilaw na materyales upang makapagmanupaktura ng papel at iba pang kagamitan
  • nagsisilbi itong proteksiyon ng mamamayan laban sa malalakas na hangin bunga ng bagyo
  • nagsisilbi itong natural na imbakan ng tubig

Mga Suliranin sa Subsektor ng Paggugubat

  • Patuloy na pagtaas ng populasyon
  • Ilegal na pagpuputol ng puno
  • Mga sakuna

Pagpapahalaga:

Sinasabing mahirap pagsabayin ang kaunlarang pangkabuhayan at pangangalaga sa kapaligiran (environment vs. development). Ang walang habas na pagputol ng puno sa kabundukan ay katumbas ng malaking salaping salapi dulot nito sa kabuhayan ng mga taong umaasa rito. Bilang isang mapanuring mamamayan, anong programang pangkabuhayan ang dapat ilunsad ng pamahalaan na may katiyakang ang kapaligiran ng hindi mapinsala at ang balanse ng kalikasan ay naitataguyod?

SEKTOR NG PAGLILINGKOD

CIMG1730

  • tumutukoy sa sektor na nagbibigy ng serbisyo sa transportasyon, komunikasyon, media, pangangalakal, pananalapi, serbisyo mula sa pamahalaan, at turismo
  • ito ang sektor na umaalalay sa buong yugto ng produksiyon, distribusyon, kalakalan, at pagkonsumo ng mga produkto sa loob o labas ng bansa

Kabilang sa sektor ng paglilingkod ang sumusunod:

Subsektor ng pananalapi, insurance, komersiyo, real estate, kalakalang pakyawan, kalakalang pagtitingi, transportasyon, pag-iimbak, komunikasyon, serbisyong medikal, mga OFW

Kahalagahan:

Ang bumubuo sa sektor ng paglilingkod ay may mahalagang papel sa takbo ng pambansang ekonomiya, sapagkat sila ang nagkakaloob ng lakas-paggawa, kasanayan, kaalaman, at serbisyo para sa kaunlarang pang-ekonomiya.

Malaki ang naiaambag nito sa GDP ng bansa

Suliranin:

Brain Drain – isang penomenon kung saan unti-unting nauubos ang mga propesyonal na manggagawa dahil sa pangingibang-bansa

Mababang Pasahod

Kakaunting benepisyo

IMPORMAL NA SEKTORmaxresdefault

Katangian ng impormal na sektor:

  • Hindi nakarehistro sa pamahalaan
  • Hindi nagbabayad ng buwis mula sa kinikita sa operasyon ng negosyo
  • Hindi nakapaloob sa legal at pormal na balangkas na inilatag ng pamahalaan para sa pagnenegosyo

Kabilang sa impormal na sektor ang mga sumusunod:

Sidewalk vendors, nagtitinda ng sigarilyo sa lansangan, nagpapasada ng pedicab, naglalako ng gulay at isda, nagbebenta ng prepaid cell card, naglalako ng kakanin at iba pa.

Ilan sa mga pinaniniwalaang dahilan kung bakit pumapasok ang mga mamamayan sa impormal na sektor:

  • Upang makaligtas sa pagbabayad ng buwis sa pamahalaan
  • Upang makaiwas sa masyadong mahaba at masalimuot na proseso ng pakikipagtransaksiyon sa pamahalaan
  • Upang makapaghanapbuhay na hindi kakailanganin ang masyadong malaking kapital o puhunan
  • Upang mapangibabawan ang matinding kahirapan

FishballKahalagahan ng Impormal na Sektor

  • Sinasalo nito ang mga mamamayan na hindi nakapasok bilang mga regular na empleyado sa isang kompanya
  • Nabibigyan ng pagkakataon ang maraming Pilipino na makapaghanapbuhay
  • Nagbibigay ng karagdagang kita sa mga mamamayan
  • Nagsisilbing tagasalo ng mga mamamayang may mahigpit na pangangailangan
  • Malaki ang naitutulong nito ng mga kalakal at serbisyo nito dahil sa murang halaga

Dahilan ng Paglaganap ng Operasyon ng Impormal na Sektor

  • Kawalan ng sapat na regulasyon mula sa pamahalaan
  • Labis na regulasyon mula sa pamahalaan

Epekto ng Impormal na Sektor sa Ekonomiya

  • Pagbaba ng halaga ng nalilikom na buwis ng pamahalaan
  • Banta sa kapakanan ng mga mamimili
  • Paglaganap ng mga ilegal na gawain

Panganib sa Impormal na Sektor

  • Maaaring walang sapat na proteksiyon sa katawan ang mga manggagawa habang nagtatrabaho
  • Mapanganib sa mga naglalako (ambulant vendors) ang kalsada dahil sa mga ruumaragasang sasakyan
  • Kalimitan hindi sila sakop ng insurance
  • Dahil sa kawalan ng nasusulat na kontrata ay maaaring lumaganap ang mga kaso ng paglabag sa kasunduan

 Ang Impormal na Sektor at Globalisasyon

Pagpapaliwanag tungkol sa impormal na sektor ayon kay Yuzon:

  • Maaari silang ituring na biktima ng globalisasyon
  • Maaaring ituring ang gawaing ito na isang paraan ng pag-angkop ng mga mamamayan sa masasamang epekto ng globalisasyon sa ekonomiya at lipunan

Sinasalo ng impormal na sektor ang biktima ng globalisasyon tulad ng mga manggagawang nawalan ng trabaho dahil sa pagsasara ng mga lokal na kompanya.

                              EKONOMIKS: MGA KONSEPTO AT APLIKASYON

Photo credits: www. google.com

Mga Rebolusyong Pampolitika at Panlipunan

Ang Rebolusyong Amerikano

500px-Surrender_of_General_Burgoyne— tumutukoy sa serye ng mga pangyayari, ideya, at pagbabago na naging resulta ng pagdeklara sa kalayaan ng 13 kolonya sa North America mula sa Imperyong British na humantong sa pagkabuo ng United States of America noong 1776.

Mga Salik sa Pagsiklab ng Rebolusyong Amerikano
  • Hindi makatarungang pagpataw ng buwis
  • Kawalan ng kinatawan ng Amerika sa Great Britain
  • Mga Patakarang Ipinatupad sa 13 kolonya
  • Sugar Act ng 1764 — ipinatupad bilang buwis sa pag-angkat ng asukal, pinalakas nito ang kapangyarihan ng mga opisyal pandagat na British sa paghihigpit sa ilegal na pag-angkat ng asukal
  • Stamp Act ng 1765 — sa batas na ito, ang lahat ng opisyal na dokumento, titulo, kasulatan, pahayagan at iba pang dokumento ay sa espesyal na naselyuhang papel lamang maaaring isulat o ilimbag, ang buwis para sa papel na ito ay bayad na
  • Townshend Act — nagpatibay sa karapatang konstitusyonal ng Parlamento ng mga batas para sa kolonya na may layuning itaas ang regular na buwis sa kolonya upang suportahan ang mga gobernador na kolonyal, huwes, at iba pang opisyal na magtatanggol sa kolonya
Boston Tea Party
375px-Boston_Tea_Party_Currier_colored

Isang paglalarawan ng makasaysayang Boston Tea Party noong 1773.

— isang pagtitipon bilang protesta kung saan sinalakay at inakyat ng mga taga-Boston ang dumaong na barkong British lulan ang tsaa sa 13 kolonya sa pangunguna ni Samuel Adams, itinapon sa daungan ng Boston ang 342 kahon ng tsaa na ikinagalit ng pamahalaan ng Great Britain, ito raw ay isang aksiyong kriminal dahil paninira ito ng pag-aari ng mga mangangalakal na British. Kakompetensiya ng tsaa ng British ang tsaa ng Amerika.

Intolerable Acts ng 1774 — isang batas na nagsara sa daungan ng Boston hanggang hindi binabayaran ang itinapong tsaa. Ito ay ipinasa bilang ganti at parusa ng Parlamento ng Great Britain sa Boston, Massachusetts.

Deklarasyon ng Kalayaan

Ipinahayag noong Hulyo 4, 1776 ang Declaration of Independence sa Continental Congress na binubuo ng mga kinatwan ng 13 kolonya. Ang deklarasyon na ito ay resulta ng mga pangyayari na nauwi sa digmaan.

Thomas Jefferson — ang pangunahing may-akda ng deklarasyon

“Ang lahat ng tao ay biniyayaan ng Diyos ng mga karapatang hindi maipagkakait; na ang lehitimasyon ng pamahalaan ay galing sa pag-sang-ayon ng mamamayan; na ang mga mamamayan ay may karapatang patalsikin ang mga pinuno ng pamahalaan kung kinakailangan.”

George Washington — ang pinakaunang Pangulo ng Estado ng Amerika

“No taxation without representation” — ipinahayag ni Rev. Jonathan Mayhew, tinuutkoy nito ang representasyon ng 13 kolonya sa Parlamento.

Ang Labintatlong (13) Kolonya

404px-13_colonies_in_1775_(large)

  1. Massachusetts
  2. New Hampshire
  3. Rhode Island
  4. Connecticut
  5. New York
  6. New Jersey
  7. Pennsylvania
  8. Delaware — “The First State”
  9. Maryland
  10. Virginia
  11. North Carolina
  12. South Carolina
  13. Georgia
  • Ang Rebolusyong Amerikano ay itinuturing na isang praktikal na aplikasyon ng mga ideya ng Enlightenment. ito nag naghudyat sa pagwawakas ng pagkakailalim ng North America sa kapangyarihan ng hari ng Great Britain. Nagbigay-daan din ito sa pag-usbong ng demokrasya.

KASAYSAYAN NG DAIGDIG

Photo credits: www. google.com